PANOORIN: Mga leksyon mula sa BARMM elections
Sa Part 2 of 3 ng ating Special Report sa Bangsamoro elections, tinalakay natin ang paglahok ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa eleksyon sa kauna-unahang pagkakataon. Nakuha ng partido nilang UBJP ang liderato ng Cotabato City na itinuturing na “crown jewel” ng Bangsamoro region. Pero ano naman kaya ang naging kapalit ng panalong ito para sa liderato nila? Handa na nga ba ang mga dating rebelde sa mas malawak na proseso ng demokrasya tulad ng pagbababa ng armas tungo sa buhay sibilyan?