alexbphoto"Ako'y lubos na nanglulumo kapag naaalala ko ang madugong digmaan noung 2000 sa Central Mindanao na kung saan 175 nalang na marino ang natira sa pinangungunahan kong batalyon pagkatapos ng huling bakbakan sa Camp Abubakar. Ito ay matapos namin kubkubin ang tatlong malalaking kampo ng MILF sa mahigit na 3 buwan pakikipagsagupaan sa 3 probinsya (LDN,LDS at Maguindanao). Sa araw-araw ay nakikipagtitigan kami kay kamatayan, marami sa amin ang nagbuwis ng buhay at nasugatan sa taimtim na pagtupad sa sinumpaang tungkulin para ipaagtanggol ang inang bayan. Now that the P10 billion PDAF is unearthed that should have been used to solve the lingering social issues leading to armed conflict, the deaths of these marine heroes are rendered useless.. NAKAPANGLULUMO.."

 

 

BGen Alexander F. Balutan via Facebook.